Ang Grid at Paylines
Ang mga reels at rows ay ang grid na iyong nakikita sa screen. Ang paylines naman ay ang mga itinakdang pattern o linya kung saan dapat lumabas ang magkakatulad na simbolo upang mabuo ang isang panalo. May mga larong may fixed paylines, kung saan alam mo na kung anong mga pattern ang binabantayan ng game.
Ways to Win at Cluster Pays
Sa mga modernong laro, mayroon tayong "Ways to Win" kung saan ang mga simbolo ay dapat magkatabi sa magkakasunod na reels, kahit hindi sila nasa parehong row. Mayroon din tayong cluster o grid games kung saan ang panalo ay nabubuo sa pamamagitan ng grupo ng magkakadikit na simbolo, kahit saan man sila lumabas sa grid.
Wilds at Scatters
Ang Wild symbols ay nagsisilbing "joker" na maaaring pumalit sa ibang simbolo upang makabuo ng winning combination. Ang Scatter symbols naman ay espesyal dahil hindi nila kailangang lumabas sa payline upang mag-trigger ng panalo o bonus features, tulad ng free spins. Para sa eksaktong patterns ng isang laro, laging tingnan ang paytable panel sa loob ng game.